Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presensya ng mga Chinese sa Fuga Island pinabubusisi sa Senado

0 270

Kinalampag ng grupong Kilos Pinoy Para sa Pagbabago (KPPP) ang Senado upang imbestigahan ang unti-unti umanong pananakop ng China sa Fuga Island sa Aparri, Cagayan.

Ayon sa grupo, dapat umaksyon ang Senado sa pagtatayo umano ng China ng $2 bilyon pasilidad sa Fuga Island bukod pa sa inilagak nitong puhunan na $12.16 bilyon sa Grande at Chiquita islands sa Subic Bay sa Zambales.

Hiniling ng grupo sa Senado na pangunahan ang pagkalkal sa isyu gayundin ang panawagan sa ibang ahensya ng gobyerno na protektahan ang kapakanan ng mga Pilipino.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pawang mga isla umano ang target ng mga Chinese investors kung kaya’t naalarma ito sa posibilidad na may kaugnayan ito sa pagpapalawak ng kanilang kapangyarihan at pagsakop sa West Philippine Sea.

Posible rin aniyang maging probinsiya na ng China ang Fuga Island kung patuloy ang walang humpay na pagtatayo ng istruktura ng mga negosyanteng Intsik dito.

“Huwag nating hayaan na maging ‘second-class citizens’ tayo sa sariling nating bansa dahil lamang sa perang ipinapasok ng Tsina. Baka magising na lamang tayong sakop na tayo ng Tsina,” dagdag ng grupo. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.