Abante Tonite Interactive

Presidente ng Dos biglang crush ng bayan

1,414

Halos buong bansa yata ay tinutukan ang hearing base na rin sa reaksyon ng netizens sa social media. Nag-trendin­g sa Twitter kahapon ang hashtag na #ABSCBNFranchise at si Carlo Katigbak.

Maraming netizen ang naliwanagan kung ano ba talaga ang totoo, gayundin kung ano ba talaga ang tunay na issue
“Buti na lang nagkaroon ng Senate hearing. All our doubts have been answered. And probably we can all conclude that there is no reason for non-renewal of their franchise,” pahayag ng isang netizen.

“Sa dami daming issues ang binato sa ABS-CBN what’s CLEAR for me right now is that these are just pure PERSONAL ISSUES towards the network. Keep fighting ABS-CBN!” komento naman ng isa pang netizen at marami pa kaming similar comments na nabasa.

Puring-puri naman ng netizens ang ABS-CBN president dahil sa pagiging humble at kalmado nito. “Grace under pressure”, “man of the hour” at “crush ng bayan” ang tawag sa kanya ngayon dahil napakaraming girls ang biglang nagka-crush sa kanya.

“Grabe his calmness and cuteness! Tumigil ang mundo ko kay Mr CEO, hahah! Mr CEO Carlo Katigbak is the man of the hour! Hands up to his calmness and professionalism in Senate. Such a man of integrity. Very informative watching and listening the #ABSCBNFranchise hearing,” komento ng isang netizen.

“Watched the #ABSCBNfranchise senate hearing for 5 long hours and still watching. I’ve learned a lot and I can’t wait but share that I’ve also learned that I develop a big crush on Baby Carlo Katigbak. Well educated and well bred,” sey ng isa pa.

“Sir Carlo Katigbak answere­d all the accusations in a calm way. Very professional No wonder why he became the President of ABS-CBN Corp,” komento naman ng isa pang Twitter user.

Samantala, humingi na ng tawad ang ABS-CBN president na si Carlo Katigbak kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon dahil sa hindi pag-ere ng P7 million worth ng political ads nito noong 2016 presidential elections.

Sa ginanap na Senate hearing kahapon, Lunes, Feb. 24, hinggil sa renewal ng franchise ng ABS-CBN, isa sa natalakay ang hinaing noon pa ni Pres. Duterte na hindi inere ang kanyang political ad kahit bayad na ito. Si Sen. Bong Go ang unang tumalakay ng isyung ito at aniya, mas pinili pa ng network na iere ang isang political ad mula sa oposisyon na sumisira sa reputasyon ng noo’y kumakandidatong Pangulo.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ng paliwanag ang ABS-CBN ng kanilang panig kung bakit hindi naere ang political ad ni Pres. Duterte.

“We have 2 kinds of political ads that are sold to candidates,” simulang paliwanag ng ABS-CBN president, “the first one is the national ads which is seen all over the country and the second one is the local ads which is normally seen within just a specific pro­vince.

“For the national ads, we have an allocation of 19 minutes of commercial artime per hour and for local ads, we have an allocation of only 2 minutes of airtime per hour.”

Patuloy ni Katigbak, nag-place daw si Pangulong Duterte ng worth P117 million of national ads at naere raw lahat ‘yon. Sa local ads daw sila nagkaroon ng problema since 2 minutes of airtime per hour lamang ang allocation nila rito.

Sa P65 million worth of spots na binayaran ng Pa­ngulo, P7 million worth daw doon ang hindi nila naere.

“Our policy on all our ads is first come, first served and any of these spots were ordered on May 3rd, and May 7th was the last day of the campaign period. So, there had been many previous telecast orders that already came in ahead,” paliwanag pa ni Katigbak.

Sa P7 million worth of ads na hindi nila naere, nagbalik muna sila ng P4 million na tinanggap naman daw ng Pangulo.

“We were delayed in refunding the P2.6 million and that 2.6 million was no longer accepted by the President,” pahayag ng ABS-CBN President.

Inamin naman ni Mr. Katigbak ang kanilang pagkakamali sa pagkaka-delay ng refund.

“We acknowledge our shortcoming in our failure to release that refund in a timely manner,” he said.

Ipinaliwag din ng ABS-CBN executive kung bakit nila inere ang ad ni former sen. Antonio Trillanes na kumandidatong vice president in 2016 elections at kilalang critic ni Pres. Duterte.

Ayon kay Katigbak ay na-reject na nila ang first video ng nasabing ad pero matapos itong baguhin ay napagdesisyunan naman daw nila na iere ito dahil hindi naman daw lumabag sa kanilang internal policy.

“Any candidate that comes to our station with an ad that is legal and legitimate must be accommodated,” he said.

“We were sorry if we offended the President, that was not the intention of the network. We felt that we were just abiding by the laws and regulations that surround the airing of political ads

“And I think, today, we want to make a categorical statement together with our chairman, Mark Lopez, that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” saad pa ni Katigbak.

Kahapon din ay nahingan ng reaksyon ang Malacañang spokesperson na si Salvador Panelo hinggil sa public apo­logy ng ABS-CBN at aniya, sana raw ay noon pa ito ginawa ng network.

“Dapat noon pa na nila ginawa ‘yan,” ani Panelo.

“Pero I’m glad ABS-CBN finally admitted its shortcomings to the President,” dagdag pa niya.

Nasa desisyon na raw ni Presidente Digong na raw kung tatanggapin ang apology ng network.

“Na kay Presidente ‘yon. I don’t know how to respond to that. It’s a personal decision,” pahayag pa ni Panelo.

Raffy Tulfo may ibubunyag sa finale ng GGV

Si Raffy Tulfo pala ang guest sa finale episode ng Gandang Gabi Vice na ieere sa March 1. Ayon sa batikang broadcast journalis­t, pumayag daw siya na maging guest dahil matalik na kaibigan nila ng kanyang misis si Vice Ganda. Ang dami raw niyang pinaggagawa sa show na ngayon lang niya ginawa.
“Maraming bagay-bagay doon (GGV) na hindi ko nasabi rito at doon ko lang nasabi,” sabi ni Raffy sa kanyang show.

More than 10 years na raw nilang kaibigan si Vice at ito raw ang klase ng tao na kahit ano ang narating ay marunong lumingon sa pinanggalingan.
Hindi raw katulad ng mga ibang kakilala niya na nang sumikat at nagkaroon ng puwesto sa gobyerno ay hindi na kilala ang mga dating kaibigan.