Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presidentiable ‘binulungan’ ng Diyos na tumakbo

0 270

Nag-iikot na raw itong politiko sa ibat-ibang panig ng bansa bilang preparasyon sa kanyang pagtakbo sa 2022 presidential elections.

Mistulang nangangampanya na raw ang politiko sa kanyang pag-iikot.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na kinausap ng presidentiable ang mga bigwig sa Cebu kamakailan. Kilalang vote rich ang Cebu kaya madalas pasyalan ng mga politiko.

Sinabihan daw ng politiko ang mga local leader na siya ang susunod na presidente ng Pilipinas. Siyempre, tamang duda ang mga lider dahil alam nilang may mas malakas na kandidato sa pagka-presidente bukod sa kanilang kausap.

Pero sabi ni presidentiable, ‘binulungan’ daw siya ng Diyos na siya ang susunod na presidente ng bansa. Siyempre, bow na lang ang mga kausap na local leader.

Ang gusto lang ng mga local leader sa presidentiable, may iniiwan itong pabaon matapos ang miting.

Pintahan niyo na. Ang presidentiable na binulungan daw ng Diyos na siya ang magiging presidente ng bansa ay kilalang mayaman as in maraming datung o Money.

Leave A Reply

Your email address will not be published.