Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presidentiable ‘gaya-gaya puto maya’

0 94

Ubos na kaya ang pondo o sariling diskarte at mga ideya (kung meron man) ng ibang mga kampo ng tumatakbo sa pagkapangulo?

Nito kasing mga nakaraang araw, mapapansin ang garapalang galaw ng ilan sa mga presidential candidate, tulad ng nangunguna diumanong kandidato sa mga survey na si dating Senador Ferdinand Marcos Jr. Bakit kamo? Pati kasi diskarte ng kalaban e pinapatos nang gayahin.

Nagpakalat ba naman kasi ang kanyang kampo ng isang text message nitong nakaraang Huwebes na naglalaman ng ganito: “Huwag sayangin ang boto. Dito na sa sigurado.” Kasama din ng numero niya sa balota at ng kanyang ka-tandem.

E sino bang nauna sa pagsasabi ng ganitong mensahe sa mga botante? Walang iba kundi si independent presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Sa umpisa pa lang ng kampanya, ito na ang laman ng kanyang mga talumpati kasabay ng paulit-ulit niyang ipinapaalala sa publiko na tamang kandidato ang ihalal at huwag tumaya sa magnanakaw, sinungaling, o sa mga kulang sa karanasan at kaalaman.

Pero hindi lang dyan nagtatapos ha, ito pa matindi. Sa isang panayam sa CNN Philippines noong nakaraang linggo, sinabi rin nitong si Marcos Jr., na gagawin niya umano ang teknik na ‘leading by example’ para labanan ang katiwalian.

SM food to go Banner Ad

At sino ang orihinal (at tunay na may K) na nagsasabi nito? E ‘di si Ping Lacson pa rin. Umpisa pa lang ng maupo siya bilang pinuno ng Philiippine National Police (PNP) hanggang sa kanyang pagiging senador, sa kanya na natin narinig at nakita ang tunay na ‘leadership by example.’

Sana lang kung marami namang pondo talaga itong si Marcos, mag-hire siya ng magaling bumuo ng mensaheng may laman at hindi pangongopya. Naalala ko tuloy ang kasabihan ng mga bata na gaya-gaya puto maya, paglaki buwaya.

Natakam din tuloy ako. Sa mga hindi kasi nakakaalam pagkain talaga ang puto maya. Nakabili ako niyan noong nabalagoong ako sa Dumaguete. Masarap ‘yan na kakanin pero napapagkamalan na puto—‘yung may keso sa ibabaw—kahit mas kamukha talaga niyan ang biko.

Hanggang sa nakasanayan na lang na dahil parang nanggaya ito sa puto o rice cake, naging kasabihan na ang ‘gaya-gaya puto maya’ pero kung bakit nadugtungan ng ‘paglaki buwaya’? A ‘yan ang aalamin ko.

Basta ngayon, ingat na lang sa mga ganitong tao at mas maganda talaga na kung susugal din naman tayo para sa kinabukan ng Pilipinas, doon na tayo tumaya sa sure na tayo ang panalo!

At sino ang panalo? Walang iba kundi si Ping Lacson #5sabalotapagkapresidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.