Abante Tonite Interactive

Presidential appointee ayaw patalbog

217

May itinatago palang kamalditahan itong isang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ayaw niyang natatalbugan at nahihigitan siya ng kanyang mga tauhan.

Halos masira ang araw nitong opisyal sa isang dinaluhang aktibidad kasama ang Presidente matapos makita ang isa sa kanyang undersecretary na dumalo rin sa okasyon, batay sa paanyaya ng isa sa mga organizer.

Halos magsalubong ang kilay ni presidential appointee nang tanu­ngin ang kanyang usec kung ano ang ginagawa sa event dahil wala naman aniyang kinalaman ang kanilang ahensiya dito.

Pero malumanay na sinagot siya ng kapwa opis­yal na aniya ay inimbitahan lamang siya ng isa sa mga opisyal din.

Kaya naman pala nagpuputok ang butse ni Presidential appointee ay dahil mas maganda ang suot na damit ng kanyang Usec, at day, huwag isnabin, matangkad at maganda ito dahil lahi ng mga mestisahing Zamboangeña.

Ito palang si madam ay may ugaling ayaw na nahihigitan, at maski sa mga biyahe sa loob at labas ng bansa, hindi maaaring mas mataas na floor ang hotel room ng kanyang mga kasamang opisyal, kaysa sa kanyang kuwarto.

Maging sa elevator sa kanyang tanggapan, walang ibang maaaring sumabay kapag siya na ang sasakay, maliban sa kanyang dakilang alalay.

Feeling siguro ni madam, may gustong manakit sa kanya haha!
At heto pa, para walang kumausap na opisyal o bumati sa kanya kapag lumabas na ng opisina ay kinakalikot ang kanyang cellphone na kunwari ay may kausap o may binabasa ito, huwag lang maki­pag-usap sa kung kani-kanino.

Ang opisyal na ito ay kinaiinisan din ng kanyang mga tauhan dahil hindi namamansin at kahit ilang taon na sa puwesto ay hindi pa rin kabisado ang pangalan ng mga asec at usec nito. ( Aileen Taliping)