Abante Tonite Interactive

Presidential appointee bitter dahil tinanggalan ng pondo

527

Hindi maka-move on itong isang presidential appointee dahil sa ginawang pagtanggal sa pondo ng isa nitong project nitong nakalipas na taon.

Sa tuwing nai-interview ang opis­yal ay isinisingit nito ang pagkawala ng pondo sa kanyang proyekto kahit wala namang kinalaman ito sa isyung pinag-uusapan.

Medyo ‘in’ kasi ngayon itong opis­yal dahil ang toka nito ay may kinalaman sa mga opisyal na winarningan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtino kung ayaw ng mga ito na mawala sa puwesto.

Kahit hindi tinatanong ay nagpapa-bibo itong si sir at ipinanga­ngalandakan na ma­rami na siyang kinasuhan sa Ombudsman na mga pasaway sa gobyerno, at saka iuugnay ang litanya nito na mas marami pa sanang mabibig­yan ng leksiyon kung hindi siya inalisan ng pondo para sa isang programa ng kanyang tanggapan.

Tila ba malalim pa­lagi ang hugot nitong si sir pero hindi na lang pinapansin masyado dahil kilala ito na nanunumbat kapag hindi napagbigyan o nakuha ang gusto.

Clue: Malakas daw siya sa administras­yon pero hirap namang makakuha ng appointment para makausap ang Presidente hak hak hak! (Aileen Taliping)