Abante Tonite Interactive

Presidential appointee feeling Nostradamus

By
94

May bagong bansag ngayon sa isang Presidential appointee ng Malacañang matapos ipagmalaki na nagkatotoo ang kanyang sinabi sa isang opisyal ng gobyerno na nalagay sa kontrobersiya.

‘Nostradamus’ ng Malacañang ang bagong pa­ngalan ng opisyal matapos ipangalandakan sa mga kakilala at mga reporters na nagkatotoo ang hula nito sa isang taga-gobyerno.

Naglabas pa ang Presidential appointee ng statement para sabihing tumama ang kanyang sapantaha dahil mabigat aniya ang kinakaharap na isyu ng hinulaang opisyal.

Susme, hindi man lang mahintay ni sir na mga kakilala ang magsabi sa kanya at nagpalabas pa talaga ng statement! Oo na bida ka na!

Kuwentuhan nga ng mga miron sa Palasyo, sino naman kaya ang susunod na huhulaan ni Nostradamus?

Baka naman mahulaan niya rin kung kailan mag-goodbye ‘yung senator na madalas niyang tablahin kapag binibira ang Presidente.

Pero sa tingin ko hindi natural gift ang pagiging ala-Nostradamus ni sir dahil sa isang naging biyahe sa abroad ay hindi nahulaan kung saan ang tamang daan nito kaya siya naligaw, ayun dumiretso sa highway hehehehe!

Ang Nostradamus ng Palasyo ay naging kaklase at pañero ng Pangulo na may letters “A” at “L” sa pangalan at apelyido! Gets mo?