Abante Tonite Interactive

Presidential appointee kumakain ng aso

407

Kakaiba ang trip nitong isang appointee ng ­Malacañang dahil sa hilig sa exotic food.

Nagugulat ang kapwa opisyal ni Madam dahil malayo sa personalidad nito ang hilig ng bunganga at panlasa.

Masaya ang opisyal kapag nakakatikim ng kakaibang putahe o ‘yung exotic na hindi nakikita o natitikman sa araw-araw.

Kapag napupunta sa ibang lugar si Ma’am ay unang inaalam nito kung ano ang kakaibang pagkain na puwede nitong matikman at tila ba naging habit na niya ito.

Pero ang pinaka-paborito ni Madam ay ang pagkain ng karne ng aso na ­ikinagulat ng kanyang mga katrabaho at mga tauhan sa kanyang tanggapan.
Laking-probinsiya kasi si Madam at nakagisnan na nito ang kultura na ­pagkain ng aso sa bandang Norte.

Ang opisyal na ito ay low profile lang, hindi masyadong maingay subalit ­sinasabing malakas kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang bansag sa kanya ay miss Aw as in aw, aw!