Abante Tonite Interactive

Presintong de-salamin, tanders na lespu babu Isko binigyan ng tip ng Georgian envoy

664

Tuloy ang courtesy visit ng mga envoy mula sa iba’t ibang bansa sa kabila na ho­liday kahapon dahil sa paggunita sa ika-36 na kamatayan ni Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Kabilang sa mga naging bisita na envoy ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ay sina US Ambassador Sung Kim; UK Ambassador Dani­el Pruce; Japanese Ambassador Koji Haneda; Panamanian Ambassador Rolando Alvarado; Saudi Ambassador Dr. Abdullah Al-Bussairy; Israeli Ambassador Rafael Harpaz.

Gayundin sina Singaporean Ambassador Gerard Ho; Russian Ambassador Igor Khovaev; EU Ambassador Franz Jessen; New Zealand Ambassador David Strachan; Australian Ambassador Steven Robinson at Georgian Ambassador Irakli Asashvili.

Sa pagbisita ni Asashvili, ibinahagi nito kay Moreno ang mga reporma niyang isinagawa na naging matagumpay sa loob ng 15 taon.

Binigyan nito ng payo si Moreno para maging epektibo ang serbisyo ng mga pulis, gawing transparent na salamin ang mga dingdig ng mga presinto, itaas ang suweldo ng mga pulis at tanggalin na sa serbisyo ang mga matatandang pulis.

Ang iba naman na envoy ay nakipagpalitan ng mga idea kontra sa korapsyon at peace and order. ­(Juliet de Loza-Cudia)