Abante Tonite Interactive

Preso ‘di na ibibiyahe sa Munti

By
8

Upang maging epektibo ang reporma at rehabilitasyon ng mga preso, itutulak na gawing regionalize ang mga bilangguan na ikakalat sa buong bansa.

Sa pamamagitan nito, hindi na kinakailangan pang ibiyahe ang mga presong probinsiyano patungo sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa ganitong paraan, naniniwala si Muntinlupa City Rep. Rufino ‘Ruffy’ Biazon na mas mapapabilis ang pagbabagong-buhay ng mga bilanggo dahil mas magkakaroon ng panahon para sa family bonding at mapapadali ang pagbisita ng kanilang mahal sa buhay.

Binanggit pa nito na dapat pagtuunan ng pansin ng bagong administrasyon ang pagbibigay ng katiyakan na hindi na mapahihintulutan pa ang mga preso sa kanilang iligal na negosyo sa loob ng kulungan, sabay banggit na pabor ito sa mungkahi na mailipat na ang NBP sa labas ng Muntinlupa gaya ng isinusulong na paglipat sa probinsya ng pambansang piitan.