Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso, asset ng pulis sa McDo ratratan

0 130

Inaalam ng National Bureau of Investigation (NBI) kung paano nakalabas sa kulungan ang asset diumano ng Quezon City Police District na nasangkot sa engkuwentro sa pagitan ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonweath, Quezon City.

Sa ulat, sinabi ni NBI Spokesman Ferdinand Lavin na base sa nakuhang operation report ang asset na si Jonaire Decena ay nakakulong noon pa umanong Enero dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Si Dacena umano ang nakuta sa CCTV na lumapit sa PDEA asset na si Untong Matalnas bago maganap ang palitan ng putok.

Ayon kay Lavin, makikipag-ugnayan umano sila sa iba pang personalidad na sangkot sa insidente gayunman hindi pa umano ito maaariing makipagtulungan sa ngayon.

Isinasailalim na sa pagsusuri ang mga cellphone ng dalawang asset. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.