Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso bulagta sa Bilibid riot

0 212

Isa ang patay sa sumiklab na riot habang nagsasagawa ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng “Oplan Galugad” sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Martes.

Ayon sa ulat, isinagawa ang paggalugad sa kulungan noong Hunyo 1 kung saan nagkagulo ang mga bilanggo.

Isang preso ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa riot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, nag-ugat ang riot matapos isang matandang inmate ang sinuntok umano ng kapwa bilanggo, na ikinagalit ng mga kasamahan niya sa dormitoryo.

Samantala, mahigit 100 arrow, halos 100 bolo at machete, at mga hitech cellphone at gadget ang narekober sa Oplan Galugad sa Maximum Security Compound sa NBP.

Mga matatalas na armas naman ang nakumpiska sa Medium Security Compound. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.