Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso dedbol sa stroke

0 75

Nasawi ang isang person under police custody (PUPC) nang ma-stroke habang ginagamot sa COVID Ward Facility ng Ospital ng Maynila kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Ang nasawing si Enrique Ungria y Mercado, 55, taga-Malate ay nakulong sa MPD-Station 9 noong Agosto 18, 2020 sa kasong paglabag sa section 11 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs.

Nabatid sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Dennis Suba, alas-9:30 ng umaga nang ideklarang patay si Enrique ng mga doktor sa OsMa.

Nalaman na Agosto 24, alas-3:10 ng hapon nang dumanas umano ng matinding pagtatae ang biktima sa loob ng selda kaya dinala sa ospital.

Natukoy na may sakit ito sa puso o enlargement of heart kaya tuluyang naratay sa ospital.

Nailipat pa siya sa COVID Ward facility ng ospital at doon na siya na-stroke. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.