Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso dedo sa pneumonia

0 67

Patay ang isang 49-anyos na inmate ng Manila Police District-Police Station 1 matapos maratay ng apat na araw sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) nang magreklamo na nahihirapang huminga, kahapon ng madaling-araw sa Maynila.

Idineklarang patay dahil sa pneumonia ang inmate na si Noli San Juan, ala-1:35 ng madaling araw ng mga doktor sa GABMMC.

Sa imbestigasyon ni Cpl Jaime Balang, ng MPD-homicide section, nitong Hulyo 30 ay nagreklamong nahihirapang huminga ang biktima kaya isinugod sa pagamutan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunman, makalipas ang ilang araw ay tuluyan na itong binawian ng buhay.

Nalaman na ang inmate ay inaresto noong Hulyo 18 sa bisa ng inisyu na warrant of arrest ni Presiding Judge Maria Celestina Cruz-Mangrobang sa kasong paglabag sa RA 7610. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.