Abante Tonite Interactive

Preso ghost employee ng mambabatas

0 326

Kahit nakakulong, masasabing sinusuwerte pa rin ang isang preso dahil sumusuweldo siya courtesy ng isang mam­babatas.

Ginawa kasi siyang ghost employee ng mambabatas kung saan hindi ito kailangang magtrabaho kundi hihintayin na lamang ang araw ng suweldo para kubrahin ang datung.

Hating kapatid daw ang kasunduan dahil 50% ang mapupunta sa mambabatas at kalahati lang sa preso.

Tanggap naman ng lalaki ang kasunduan dahil sa hindi naman siya nagtatrabaho sa mam­babatas kundi nagbibilang lang ng araw sa kulungan.

May runner daw na nagde-deliver ng cash sa preso, siyempre hindi via electronic dahil wala namang ATM sa selda.

Clue. Ang mambabatas na may presong ghost employee ay kilalang komi­kero at may letrang S sa kanyang pangalan, as in Sahod.