Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso inatake na, nakuryente pa

0 282

Inatake na, nakuryente pa sa loob ng kulungan ang preso na pang-8 sa bilang ng mga namamatay sa Rosario, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Rosario Maternity and Medical Center ang bilanggong si Bryan Peji Dela Cruz, 38, ng Brgy Sapa 4, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Doantilla Quinto, ng Rosario Municipal Police Station, may sakit sa puso umano ang biktima bago nakulong sa Rosario Custodial Center at nitong alas-12:30 kahapon ng madaling araw ay nakaramdam ito ng hirap sa paghinga sa loob ng kulungan dahilan upang atakehin at bumagsak.

Sa pagbasak nito ay napahawak pa ito sa live wire.

Isinugod pa ito sa opsital subalit namatay din habang ginagamot. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.