Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso inatake sa puso

0 47

Nasawi ang isang 69 anyos na inmate sa Manila City Jail matapos manikip ang dibdib at atakihin sa puso kamakalawa sa Maynila.

Hindi na naisalba pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Ramon Paguio, 69-anyos.

Sa imbestigasyon, alas-7:00 ng umaga nang magreklamo nang pananakit ng dibdib ang biktima sa mga kasamang inmate na siyang humingi ng tulong sa mga jail guards para madala ito sa pagamutan.

Sa rekord ng pulisya, si Paguio ay nakulong dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.

Inaalam pa rin ng MPD-homicide section ang resulta ng awtopsiya kung may foul play sa pagkamatay ng bilanggo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.