Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso may sintomas ng virus, tigok

0 371

Nasawi ang isang detainee ng Manila Police District (MPD) Police Station 3 na umano’y may sintomas ng COVID-19 kamakakawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alas-siyete ng gabi nang magreklamo ang 45-anyos na hindi pinangalanang detainee, na nahihirapan siyang huminga. Nagsagawa pa umano ng first aid ang mga pulis sa detainee pero dineklara itong dead on arrival sa ospital.

Sa record, nakulong umano ito dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearm and Ammunition, New Anti-Carnapping Law at Resistance and Disobedience to a Person in Authority nitong Oktubre 24. Hinihintay pa ng MPD ang ang resulta ng autopsy ng detainee para matiyak kung COVID-19 ang ikinamatay nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.