Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso nagpinta para tustusan pamilya

0 108

Umani ng paghanga mula sa mga netizen ang kwento ng isang ama sa Libmanan, Camarines Sur, na bagama’t nakakulong ay hindi napigil upang matulungan ang kanyang pamilya.

Sa isang panayam sa 42-anyos na person deprived of liberty (PDL) sa nasabing bayan, sinabi niya na biyaya para sa kanya ang higit isang taon ng pagkakulong dahil dito niya nadiskubre ang kanyang talento sa pagpipinta sa tulong ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) na nakatulong sa kanyang dalawang anak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Facebook page ng BJMP Libmanan District Jail, naka-post at binebenta ang mga painting ng PDL na anila ay para suportahan ang mga pangangailangan ng mga preso. Sa tulong din ng programang ito ay naipapakita ang mga talento nila kahit nakakulong.

“It all began in late May 2020 when one of the Jail Officer share his paints and ideas to the PDLs with the support of the office in charge JINSP Emmanuel Genio the Libmanan Jail create this livelihood program. They decided not to waste the PDLs talent and they funded the initial painting materials, brushes, canvasses, wood and acrylic paints. Soon after posted on social media and received queries about purchases,” ayon sa post nito.

Bukod sa mga pangangailangan ng mga PDL, ang kikitain umano sa livelihood program ay mapuupunta sa kanilang bail payment at improvement sa pasilidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.