Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso nahirapan huminga, tigok

0 355

Nasawi ang isang preso sa Quezon City matapos nitong mahirapang huminga, nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang namatay na si Reynaldo Cabanban, 32, ng Brgy. Pasong Tamo. Nakulong siya nitong Agosto 31 dahil sa kaso diumanong pagnanakaw.

Dakong alas- 7:25 ng gabi nitong Huwebes, nang dalhin siya sa Novaliches District Hospital nang mahirapang huminga habang nakapiit sa Talipapa Police Station. Lumabas na mayroon itong sakit na pneumonia.

Hindi naman tinanggap ng ospital si Cabanban dahil wala na umanong bakante sa ospital para ma-confine ito, sa halip binigyan na lamang itong ng reseta na iinuming gamot.

Nagdesisyon na lamang ang mga awtoridad na ilipat sa Quezon City General Hospital ang nasabing preso pero idineklara itong dead-on-arrival. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.