Abante Tonite Interactive

Preso nakapuga sa Cavite provincial jail

228

Tinutugis ngayon ng Cavite Police ang isang presong tumakas habang nakakulong sa Cavite Provincial Jail sa Trece Martires City, Cavite.

Sa Flash Alarm sa mga police station, Hulyo 11, 2019 pa nakatakas si Roly Faller alyas ‘Rolly’, 32-anyos, ng Barangay Esperanza, Ibaba, Alfonso, Cavite na may kasong Frustrated Homicide sa sala ni Hon. Judge Jaime B. Santiago ng Regional Trial Court, Branch 18, Tagaytay City, Cavite.

Si Faller ay nakatakas mula sa Cavite Provincial Jail sa Barangay Lapiddario, Trece Martires City, Cavite.

Wala namang makapagbigay ng eksatong dahilan ng pagtakas ng suspek, na ayon kay Ana Cuevas, Clerk sa nasabing provincial jail, nang mangyari ang insidente ay nasa pulong ang kanilang OIC na si Noel Alegre, habang ang may hawak ng kaso na si Prison Guard Banaag De Belen Jr. ay nasa labas at nagdala rin ng mga preso sa korte. (Gene Adsuara)