Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso namaril sa selda saka nagpakamatay

0 100

Dalawang preso ng Oriental Min­doro Provincial Jail ang nasawi ha­bang limang iba pa ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ng suspek na preso ang anim na kasamahan bago ito nagbaril sa sarili, kahapon sa nabatid na kulungan sa Calapan City.

Kinilala ang napatay na preso na si Lowelyn Mendoza, 36-anyos, matapos siyang pagbabarilin ng kapwa presong 41-anyos na nagbaril sa sarili matapos ang pag-aamok.

Samantala, sugatan ang iba pang preso na sina Jeffrey Delos Reyes, 37; Christian Licuan, 45; Hector Abes, 41; Mark Dela Cruz, 42; at Alberto Ebueza, 21, pawang mga detainee ng Oriental Mindoro Provincial Jail.

Sa inisyal na ulat ng Calapan City PNP, base na rin sa salaysay ng prison guard na si Ricky Rom, naganap ang insidente alas-2:00 ng madaling-araw sa nasabing piitan.

Nabatid na nasa kasarapan ng tulog ang mga preso nang lapitan ng armadong suspek si Mendoza at ilang beses pinagbabaril.

Pinagbabaril din ng salarin ang iba pang kasamahan sa selda at matapos makitang pawang duguan ang mga ito ay nagpakamatay na siya.

Samantala, puwedeng tawagan ang NCMH 24/7 crisis hotlines sa cell­phone (0917-899-8727) o sa telepono (7989-8727 o 1553) para sa mga may tanong ukol sa mental health, kailangan ng counseling, may suliranin o nanganganib mag-suicide. (Edwin Balasa/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.