Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso nilagnat, tigbak

0 31

Nasawi ang isang lalaking inmate nang lagnatin at mahirapang huminga habang nakapiit sa bilangguan ng Manila Police District (MPD) Jose Abad Police Station 7 (PS-7) sa Tondo, Manila kamakalawa ng hapon.

Nitong Agosto 19, 2020 lang nang makulong ang 59-anyos na biktimang hindi na pinangalanan matapos madakip sa kasong pagtutulak ng ilegal na shabu.

Alas-6:45 ng gabi naman ng Setyembre 12 nang bigla na lang itong mawalan ng ulirat dahil sa mataas na lagnat at hirap sa paghinga.

Isinugod ng mga pulis sa Tondo Medical Center ang inmate pero matapos ang 3-araw ay binawian din ito ng buhay.

Hinihintay pa ang resulta sa swab test ng inmate kung positibo ito sa COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.