Abante Tonite Interactive

Preso sa QC patay sa leptospirosis

By
103

Namatay ang isang preso ng Quezon City Police District (QCPD) sa Masambong Police Station 2 makaraang tamaan ng sakit na leptospirosis, ayon sa doktor ng Natio­nal Kidney and Transplant Institute (NKTI) kahapon nang umaga.

Kinilala ang nasawing bilanggo na si Mel Partilla, 30-anyos at residente ng Capricorn St., Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, isinugod si Partilla sa nasabing ospital pero namatay din ito dakong alas-10:00 nang umaga kahapon.

Dahil dito, nagsagawa ng paglilinis ang mga preso sa Masambong Police Station 2 dahil na rin sa pangambang magkasakit din sila ng leptospirosis, na sinasabing sanhi ng mga ihi ng daga na labas pasok sa kulungan.

Base sa report, ang kulungan ng mga lalaking preso sa naturang himpilan ng pulisya ay 20 katao ang kapasidad pero nasa 95 na ang mga presong nakakulong dito.