Abante Tonite Interactive

Preso tigbak sa lagnat

293

Namatay matapos na lagnatin ang isang preso sa loob ng kulungan sa Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3, nitong Miyerkoles.

Kinilala ni Talipapa Police personnel under P/Lt. Col. Alex Alberto ang inmate na si Romeo Borja, 43, binata, ng 38 Pipit St., Brgy. Talipapa, QC.
Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa loob ng male detention cell sa QC Talipapa Police station 3 sa No. 505 Quirino Highway, Brgy. Talipapa, Novaliches, QC, dakong ala-1:45 nang madaling-araw.

Sa report, habang nakabantay umano ang mga duty jailer na sina P/Cpl. Dennis Tokpil at P/Cpl. Jessie Ruales ay itinimbre ng mga kakosa ni Borja ang hindi na nito paggalaw.

Agad namang sinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit dineklara itong dead-on-arrival.

Si Borja ay nakulong sa Talipapa police station 3 noong Oktubre 2018 dahil sa kasong theft. (Dolly Cabreza)