Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso tigok sa bugbog ng kakosa

0 250

Patay ang isang preso matapos gulpihin ng mga kapwa preso sa loob ng Zamboanga City Police Station 7 sa nasabing lungsod, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang nasawing si Alganar Musa, 42, may kasong paglabag sa iligal na droga.

Nakuhanan naman ng CCTV ang pambubugbog sa biktima ng kapwa niya preso na sina Henry Francisco, 50; Crisanto Ismael, 41; Jobert Alejandro, 32; John Kevin Perez, 27; at Romeo Bartolome Jr., 43, pawang may mga kasong paglabag sa iligal na droga.

Sa ulat kahapon ni Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, alas-5:30 ng hapon nitong Biyernes Santo nang makita na lang na walang malay at duguan si Musa sa loob ng selda.

SM food to go Banner Ad

Agad dinala ang biktima sa Zamboanga City Medical Center subalit idineklara na itong dead on arrival.

Si Musa ay naaresto Biyernes Santo ng umaga sa anti-illigal drug operation.

Away sa iligal na droga ang posibleng dahilan ng pambubugbog sa biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.