Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Preso todas sa bugbog ng kakosa

0 155

Todas ang isang preso matapos pagtulungang bugbugin ng tatlong kapwa preso sa Project 6, Police Station 15. Quezon city, nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktimang si Arnold Crapiano Ejar, 42, may-asawa, construction worker, Bagong Pag-asa, QC. Siya ay naaresto nitong April 27, 2021 at nakulong sa kasong serious illegal detention.

Ang kapwa preso na umano’y nambugbog ay sina Antonio Reyes Deluna Jr., aka Tonyo, ng Caloocan City; Kervean Sebastian, 31, ng QC, at Rolando Diaz, 35, taga-Binangonan Rizal.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-12:00 ng tanghali (April 28) nang maganap ang insidente sa Police Station 15 sa Road 3 kanto ng Road 9.

Sa imbestigasyon ni PSSg Rhic Roldan PIttong, si Ejar ay pinagtulungang bugbugin ng tatlo niyang kakosa matapos magkainitan sa hindi pa malamang dahilan.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang preso subalit binawian din ito ng buhay sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.