Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Press Corps kinilala si Lee

0 196

Smart Clark Giga City – Bitbit ni Paul Lee hanggang Pampanga bubble ang tatak niya bilang Angas ng Tundo.

Pinagliyab ng dating Rookie of the Year ang scoreboard sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City para paypayan ang tsansa ng Magnolia sa playoffs ng PBA Philippine Cup.

Sa apat na laro mula Nov. 3-8, nag-average ang dating UE Red Warrior ng 25.3 points, 4.5 rebounds at 3.8 assists at undefeated ang Hotshots sa apat na laro sa stretch na ‘yun.

Si Lee ang Cignal TV-PBA Press Corps Player of the Week.

Kasama ang panalo sa Ginebra sa bubble edition ng Manila Clasico, 6-4 na ang Magnolia papasok sa huling laro ng eliminations ngayon kontra Blackwater.

Inumpisahan ng combo guard ang linggo sa pasabog na 27 points sa 102-92 win kontra TNT, sinundan ng 29-point job sa 103-89 drubbing sa Terrafirma at 31-point effort sa 70-62 victory sa Rain or Shine. Naglubay siya kontra NorthPort nang maka-14 lang, pero may 6 rebounds at 8 assists naman.

Tinalo ng 31-year-old sa citation mula sa media na nagku-cover ng PBA sina RJ Jazul ng Phoenix, Stanley Pringle ng Ginebra, Chris Newsome ng Meralco at sina Kevin Alas at Chris Jericho ng NLEX. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.