Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Press secretary ni Cory pumanaw na

0 59

Yumao na noong Huwebes si Tomas `Buddy’ Gomez III, na minsang nanilbihan bilang press secretary sa administrasyon ni dating pangulong Corazon Aquino.

Pumanaw si Gomez sa edad na 86 habang nasa gitna ng kanyang pilgrimage sa Galicia, Spain, ayon sa anunsiyo ng kanyang pamilya nitong Sabado.

Nagsimulang makilala si Gomez sa larangan ng media noong 1957 sa programa ng DZQL-Radio Reloj, kung saan siya nagtagal ng 25 taon.

Noong 1986, sa panahon ni dating pangulong Cory Aquino ay una siyang itinalaga bilang consul general sa Hawaii at kalauna’y naging press secretary.

Sa panahon naman ni dating pangulong Fidel V. Ramos ay naging chairman at president siya ng government station na IBC-13.

Naging kolumnista rin si Gomez sa ABS-CBN News online. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.