Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presyo ng baboy sa NCR lampas P300/kilo

0 169

Tumaas na ang presyo ng baboy sa National Capital Region (NCR) dahil sa pagbagsak ng produksyon simula ng sumalanta ang African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Agriculture, sumipa na sa P340 per kilo ang liempo noong Biyernes, Oktubre 9, mula sa P250 per kilo noong Setyembre 30.

Base sa Bantay Presyo ng DA, nasa P270 hanggang P340 per kilo ang liempo sa Metro Manila at P250 hanggang P320 per kilo naman ang kasim noong Oktubre 9 sa piling palengke sa NCR.

Sa Bantay Presyo ng DA noong Setyembre 30, nasa P250 hanggang P290 pa lamang ang kilo ng liempo at P220 hanggang P270 per kilo naman ang kasim.

Sabi ng United States Department of Agriculture (USDA), may mga ASF outbreak pa sa Pilipinas na humahamon sa pagbawi ng industriya.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.