Abante Tonite Interactive

Presyo ng bilihin patuloy ang pagbaba

By
168

Ikinagalak ng Malacañang ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin noong ­Enero sa 4.4%, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“The Palace is pleased with the good news that for the third straight month, inflation continues to drop,
registering at 4.4% in January 2019 based on the latest report of the Philippine Statistics Authority,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ipinagmalaki ni Panelo na nakikita na ang resulta ng pagsisikap ng administrasyong Duterte na mapababa ang presyo ng mga bilihin na isa sa mga dahilan ng inflation.

Mula sa 6.0% inflation rate noong Nobyembre 2018, bumaba ito sa 5.1% noong Disyembre at 4.4% ngayong ­Enero.

Sinabi ni Panelo na magpapatuloy ang pagbabantay sa presyo ng mga pangu­nahing bilihin kasabay ang pagsisikap ng gobyerno na mabawasan ang problema sa kahirapan at kagutuman.