Abante Tonite Interactive

Presyo ng condo, townhouse lumolobo – BSP

291

Patuloy na tumataas ang pres­yo ng mga tirahan sa bansa noong third quarter ng taong 2019 katulad ng condominium, bahay, duplex o townhouse.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pi­lipinas (BSP) kahapon, ito ang pinakamalaking pagmamahal ng halaga ng mga tirahan simula noong unang quarter ng 2016.

Sabi ng BSP, umakyat ang Residential Real Estate Price Index (RREPI) ng 10.4% nitong third quarter kumpara sa parehong panahon noong 2018.

Sa RREPI sinusukat ng BSP ang pag-angat o pagbaba ng presyo ng mga tahanan.

Ayon sa mga property consul­tant, ang pagdagsa ng mga Chinese na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang dahilan ng pagmahal ng property prices sa bansa magmula sa lupa hanggang sa mga renta ng opisina at mga condo.

Sabi ng BSP, pinakamalaki ang pagsipa sa presyo ng condo na nagmahal ng 29.1%, sumunod ang mga duplex na nagmahal ng 24.8%. Pinakamaliit ang pagmahal sa mga single detached/attached house sa 2.4% samantalang 6% naman ang tinaas sa presyo ng mga townhouse.

Pinakamalaki ang pagmamahal ng mga tahanan sa National Capital Region (NCR) kung saan 22.2% ang tinaas ng presyo.

Sabi ng BSP, 43.1% ng mga housin­g loan ay para sa condo na NCR at 35.5% ng mga ito ay para sa detached/attached house sa labas ng Metro Manila. (Eileen Mencias)