Abante Tonite Interactive

Presyo ng drum, timba sumirit

0 145

Hindi lamang tubig ang pinoproblema ng mga residenteng naapek­tuhan ng ilang araw na pagkawala ng tubig sa kani-kanilang lugar, dahil maging ang lalagyan ng inigib na tubig ay tumaas ang presyo.

Sa social media, inilabas ng mga netizen kanilang himutok dahil nawalan na nga ng tubig ay mataas pa ang presyo ng mga drum, palanggana at timba na paglalagyan ng ipon na tubig.

Ayon kay Teresa Tare Perez Reyes, noon ay P120 lamang ang bili nito sa drum at balde pero ngayon ay nabigla ito nang maging P500. Gayundin ang sentimyento ni Creedo Rain. Aniya, “Sabi ng Vendor ng Mga DRUM ng tubig. Hindi kami na nanamantala sa presyo. Dating presyo 800 pesos, ngayong presyo 1000-1300pesos na.”

Kaya naman hi­ling ni Sai Dapon Bandoy, “Dapat mabigyang pansin din ang pag­taas ng presyo ng timba at drum.”

Una nang nagpaha­yag ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagbabantay ng mga lokal na pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng mga water container dahil ang pasok lamang sa kanilang hurisdiksyon ay ang bottled mine­ral water na wala pa naman aniyang paggalaw sa presyo.