Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presyo ng gulay sa Ilocos dumoble

0 105

Tumaas ang presyo ng mga agricultural product sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa pagbaba ng supply o ani at pagtaas ng presyo ng abono’t gasolina, ayon sa Ilocos Norte Provincial Agricultural Office (INPAO) kahapon.

Sa report ng INPAO, ang kamatis na dati’y nabibili sa P35-P40 kada kilo ay nabibili na ngayon sa halagang P70.

Ayon pa sa INPAO, bukod sa kamatis ay tumaas din ang presyo ng mga iba pang produkto tulad ng sitaw, talong at iba pang mga gulay.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng ahensya, dahil sa pagliit o pagbaba ng supply sa nasabing lalawigan, umaangkat ang probinsya ng mga supply mula sa mga karatig-lugar.

Patuloy namang gumagawa ng paraan ang INPAO para makatulong sa mga magsasaka. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.