Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presyo ng gulay sisirit sa NCR – DA asec

0 185

Inaasahang tataas ang presyo ng mga gulay sa National Capital Region (NCR) dahil sa problema sa supply nito dulot ng bagyong `Maring’, ayon sa Department of Agriculture (DA).

“Definitely, kapag nabawasan ang yield dahil natamaan ng bagyo ay tataas ang price points ng ating mga gulay,” lahad ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista sa Laging Handa public briefing.

Para maiwasan ito, naghahanap na umano ang DA ng mga alternatibong mapagkukunan ng gulay tulad ng Region 3 o Central Luzon upang madagdagan ang supply sa Metro Manila.

“Basically, we are augmenting [supply] from different regions to make sure na hindi masyadong gumalaw ang presyo ng gulay para sa ating consumers,” sabi ni Evangelista.

“‘Yong dating galing sa Region 2, per se, maghanap na ng ibang mga lugar na nagtatanim ng lowland vegetables para mapunuan ang pangangailangan ng gulay dito sa Metro Manila,” dagdag pa ng opisyal.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.