Abante Tonite Interactive

Presyo ng langis nakakalunod!

By
210

Habang sinusulat itong piyesa kahapon ay muling nasaksihan ng mga motorista ang ika-pitong sunod na linggo na pag-alagwa ng presyo ng langis.

Magkaka-altapresyon ka talaga sa walang puknat na pagtaas nito. Malapit na sa P51 na pinakamataas na narating ng pag-akyat ng presyo ng diesel noong 2008.

Nasa P49 na sa ngayon ang presyo ng diesel kada litro. Para makuha niyo ang presyo ng gasolina at iba pang variants, dagdagan niyo lang mula P10 hanggang P12 kada litro at ‘yun na ang kantidad ng gasolina.

Ngunit bago matapos ang litanya natin sa nakaka-altapresyong presyo ng langis, nais muna nating iparating ang pagbati ni Engr. Ivanhoe Adena sa matikas at maaasahang commissioner ng Games and Amusement Board (GAB) na si Eduardo Trinidad.

More power po Kabayan pati na sa iba pa ninyong mithiin sa politika! Mabuhay po kayo!

***

Para po sa kaalaman ng lahat ng ating mga ka-Moto atbpa, ang GAB po ay siyang governing body ng professional sports.

Ang pro sports po ay yaong paid athletes gaya ng professional boxers, basketball players sa PBA atbpa, gaya ng pro golfers.

Taon-taon ay kailangan nilang i-renew ang kanilang lisensya na gaya din ng engineers, nutritionists atbpa, nagre-renew ng kani-kanilang lisensya sa PRC (Professional Regulation Commission).

Ang bawat laban o laro ng professional athletes o maging ang event organizers ay kailangang ikuha muna ng karampatang permit sa GAB bago ito ganapin.

Ito ang dahilan kung bakit nakakatanggap ang GAB ng libreng game passes o tickets sa iba’t ibang kaganapan ng professional sports.

Pati pag-weigh-in ng pro boxers ay sinasaksihan ng GAB, na meron ding karapatang ipatigil o supilin ang paglulunsad ng isang pro game kung hindi ‘to nasa ayos.

Lubhang makapangyarihan ang GAB. Saklaw nito magpahanggang sa mga hinete sa karera ng kabayo pati na sa doping issues ng huli at maging sa mga manlalaro. To God be the glory.