Abante Tonite Interactive

Presyo ng manok pinapatungan sa palengke

127

Nanawagan kahapon si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa mga mamimili na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga tinderong nagbebenta ng manok sa mas mahal na presyo.

Sinabi ito ni Lopez dahil may mga retailer na nagbebenta ng manok sa presyong P190 kada kilo na dapat ay nasa P170 hanggang P170 kada kilo lamang.

Aniya, puwedeng isumbong sa ka­nilang tanggapan at sa Department of Agriculture (DA) ang mga negosyante o tindero ng manok na magsasamantala sa mga mamimili.

Ayon pa kay Lopez, dapat nasa P50 hanggang P70 lamang ang patong ng mga retailer sa farm-gate price ng manok na P110 kada kilo dahil sapat naman umano ang supply nito. (Armida Rico)