Abante Tonite Interactive

Presyo ng manok sa Mandaluyong sinita ng DTI

235

Hiningan ng paliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang retailer ng manok sa Mandaluyong Market makaraang madis­kubre sa isinagawang inspeksyon ng kagawaran na mataas ang kanilang presyo at sobra sa itinakdang suggested retail price (SRP).

Naglabas ng show case order ang kagawaran sa mga nagtitinda ng mataas na presyo ng manok matapos na hindi makumbinsi sa kanilang paliwanag si DTI
Undersecretary Ruth Castello.

Napag-alaman na masyadong mataas ang presyo ng manok na ibinebenta ng P180 hanggang P290 kada kilo.

Giit ni Castello, dapat nasa P160 hanggang P170 lamang ang bentahan ng manok.

Katwiran naman ng mga tindero ng manok na mataas umano ang kanilang kuha sa mga supplier dahilan upang ibenta nila ito sa mataas na presyo.

Gayunman, hindi pa rin kumbinsido si Castello dahilan upang bigyan niya ng apat na araw ang mga ito upang magpaliwanag. (Armida Rico)