Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presyo ng pagkain, pamasahe sumipa

0 58

Sumirit ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain, iba pang bilihin at serbisyo gaya ng pamasahe, sa 4.9% nitong nakalipas na buwan ng Abril.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ang pinakamataas na pagsipa ng inflation rate mula noong Disyembre 2018 nang pumalo ito sa 5.2%. Noong Marso 2022, nasa 4% lamang ang inflation.

Sabi ni National Statistician at PSA Undersecretary Dennis Mapa, pangunahing nagtulak sa inflation ang pagkain at mga non-alcoholic beverage na nagtala ng taas-presyo na 3.8% dahil sa pagtaas ng halaga ng gulay, karne at isda.

Aniya, 51.5% ang ambag nito sa pagsirit ng inflation ngayong Abril.

Mabigat din ang naging epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil ito ang nagtulak sa inflation ng transport sector sa 13% at 27.8% ang ambag sa pagsipa ng presyo nitong Abril.

“Ang trend ngayong buwan ay nagkaroon gn pagtaas sa presyo ng food items partly dahil sa pagtaas ng inflation sa transport,” sabi ni Mapa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.