Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presyo ng palay, imported isda nireklamo kay Duterte

0 306

Dumiretso na ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG kay Pangulong Rodrigo Duterte para ireklamo si Agriculture Secretary William Dar tungkol sa pagbagsak ng presyo ng palay at mais, pagbaha ng mga imported na manok at isda, at patuloy na pagsalanta ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Nabatid na nagpadala ng liham ang grupo kay Pangulong Duterte noong Oktubre 12 para ihayag ang kanilang saloobin sa mga nasabing isyu.

Sabi ni SINAG chair Rosendo So, patuloy na itinatanggi ni Dar ang nangyayari sa kabukiran at ang patuloy pa nitong ginigiit na nasa P18 hanggang P19 per kilo ang presyo ng palay samantalang P11 hanggang P15 per kilo na lamang ito.

Babala ni So, kung malugi na naman ang magsasaka ngayong anihan, maaaring hindi na sila makapagtanim nito dahil sa P19 per kilo ay sapat lamang iyon pra mabawi ang kanilang mga pinuhunan.

Problemado rin aniya ang mga magbababoy at mga nag-aalaga ng manok.

Sabi ni So, naglaan ng P2 bilyon Malacañang para magkaroon ng mga border inspection facility at proteksyonan ang lokal na agrikultura subalit wala pang nagagawa sa mga pasilidad na ito.

Umabot na umano sa apat na milyong baboy ang naapektohan ng ASF sa Luzon kaya umaabot na sa P300 per kilo ang presyo baboy. Aniya, patuloy na nagbabanta ang ASF sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Bumabagsak din aniya ang presyo ng manok sa farmgate dahil sa importation at ganoon din ang plano ng DA na pag-angkat ng galunggong. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.