Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presyo ng pang-noche buena, tataas

0 34

Pinaplantsa na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga noche buena item na magkakaroon ng price hike.

“Ito pong darating na linggo maaaring ma-finalize namin. Actually, nagtawag nga ako ng meeting ulit next week, itong darating na linggo, itong week na ‘to, para madesisyunan kung anuman, kung sinuman ang papayagan natin diyan,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez sa isang panayam.

Pinayuhan niya ang publiko na maging mapanuri at piliin ang sulit bilhin.

“Ang nag-price increase usually mga limang brand lang ‘yan out of 20 plus brands na nakakalat naman diyan kaya piliin natin ‘yung hindi nag-increase o kaya ‘yung sa tingin natin sulit o reasonable,” aniya.

Samantala, siniguro niyang makatarungan ang ipatutupad na taas presyo. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.