Abante Tonite Interactive

Presyo ng semento bababa – DTI

468

Umaasa si Trade Secretary Ramon Lopez na bababa ang presyo ng semento sa merkado matapos ianunsiyo ang pagbili ng San Miguel Corp. ng Holcim Philippines Inc. sa halagang $2.15 bilyon.

“There are still a lot of players and imports still come in,” sabi ni Lopez kahapon. “There is still a competitive market. We expect prices of their brands to go down because of economies of scale.”

Ayon kay Bank of Philippine Islands lead economist Emilio Neri, Jr., maganda ang pagkakabili ng San Miguel sa Holcim.

Malaki ang magi­ging pangangailangan sa semento dahil sa Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. Mas madaling natutugunan ng mga lokal na kompanya ang pangangaila­ngan sa mga dayuhang supplier dahil gamay nito ang merkado at mas madali itong balikan sakaling magkaproblema.

Sambit pa ni Neri, mahalagang maawat ang smuggling ng semento sa bansa.
“Hopefully cement smuggling slows down para ‘di siya maipit ng low prices.” (Eileen Mencias)