Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presyo ng swab test, pirma na lang ni Duterte kulang

0 78

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para sa pagtatakda ng tamang presyo sa swab testing sa bansa.

Kasunod na rin ito ng mga reklamo na ginawang gatasan at pinagsamantalahan ng ilang testing laboratory ang COVID testing ng hanggang P20,000 matapos itigil ng Philippine Red Cross ang swab testing sa mga umuuwing Filipono Overseas Workers.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na natapos na ng technical working group ng Department of Health (DOH) ang kanilang rekomendasyon para magtakda ng price cap sa swab testing.

Maging ang Office of the Executive Secretary aniya ay natapos na ring i-review ang rekomendasyon kaya ang desisyon na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.