Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Presyo ng swab test sinumite sa Palasyo

0 91

Maaaring ilabas na umano sa susunod na linggo ang executive order na magtatakda ng maximum price para sa RT–PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) o swab test.

Inihayag ito ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual press briefing dahil isinumite na umano ng kagawaran sa Office of the President ang kanilang rekomendasyon para sa suggested retail price (SRP) sa COVID testing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi umano makapagtakda ang DOH ng presyo ng swab test dahil wala naman sa bansa na nagre-regulate sa halaga ng COVID-19 diagnostic methods.

Nagsagawa lamang umano ng survey ang DOH sa presyo ng swab test sa iba’t ibang laboratoryo.

Una nang inilutang ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng maglabas ng executive order ang Malacanang para ma-regulate ang presyo ng swab test sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.