Abante Tonite Interactive

Presyo ni Durant ‘di bumaba

399

ALEC PAOLO VENTOCILLA

Tapos ma-injury sa serye kontra Houston Rockets,­ nagbalik nga si Kevin Durant noong Game 5 sa 73rd NBA Finals pero muling na-injured.

Ang masaklap ay Achilles injury ang kanyang natamo na tumatagal ng higit isang taon bago makalaro ulit.

Abante Hiring – IT dep

Kung mag-opt out sa kanyang kontrata, si Durant ang nangunguna sa listahan ng mga superstar na magiging free agent.

Ngunit posible mang ‘di makalaro sa 2019-20 NBA season, ‘di bumaba ang halaga ni Durant sa pagiging free agent.

Ang New York Knicks, Brooklyn Nets at Los Angeles Clippers ang mga interesado pa rin na bigyan si Durant ng max deal sa kabila ng Achilles injury nito.

Get well soon, KD!
***
Usapang Kevin na rin lang, si Kevin Love ang isa sa pinakamahusay na big man sa NBA ngayon. Siya na lang ang naiwan sa Big 3 ng Cleveland Cavaliers, na sumungkit ng kampeonato noong 2016 kasama sina LeBron James at Kyrie Irving.

Umugong nga ang balita na interesado ang Oklahoma City Thunder kay Love. Nakadidismaya ang naging playoff run ng Thunder na hanggang 1st round lang ang inabot. Maaaring si Love ang susi upang maging matagumpay ang koponan.

‘Di na bago sa kanya ang magiging kasama dahil naging kampi na nito si Russell Westbrook noong kolehiyo sa UCLA at si Paul George sa Team USA.

Si Thunder big man Steven Adams, Andre Roberson at No. 21 overall pick sa 2019 NBA Draft ang alok ng Thunder sa Cavs kapalit nina Kevin Love at J.R. Smith.

Big three in the making? Not bad!
***
Binabati ko ang Toronto Raptors sa kanilang unang kampeonato. Binigo niyo man ang wallet ko, masaya pa rin ako dahil iba naman ang nagkampeon. Isa lang ang sinisigurado ko, si LeBron ulit ang magkakampeon next year!

***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o balak itanong, mag-email lamang sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!