Abante Tonite Interactive

Pretty Trisha palaboy, namamalimos sa kalye

14,615

Ni: Mildred Bacud

Ang dating stand-up comedian na si Pretty Trisha ang sinasabing palaboy-laboy umano ngayon.

Nakilala si Pretty Trisha sa kanyang mga show sa TV5 at naging impersonator ni Mariel Rodriguez.

Dating makeup artist niya ang nagkuwento sa amin kung gaano kaawa-awa ang sitwasyon ngayon ng dating komedyante.

Madalas daw itong pumasok sa kanyang salon at parang wala sa sarili na kung ano-ano ang kinukwento.

Palakad-lakad at nanlilimos.

Sabi pa ng mga taga-Sampaloc kung saan nandu’n si Pretty Trisha, mula raw nang malulong sa bisyo ay tinakwil umano ito ng pamilya.

Kaya ang concern at pakiusap sa amin ng dati niyang makeup artist ay sana raw makaabot ito sa kaalaman ng mga dating kasamahan na sina Vice Ganda, Ethel Booba, Eric Nicolas at Pooh na magaganda ang career ngayon.

Ipinadala namin kay Eric ang exclusive photo ng Abante Tonite sa kalagayan ngayon ni Pretty Trisha.

“Gusto kong tulungan pero marami ng tumulong matigas ulo,” bungad niya.

“Saan siya banda ngayon? Last na lang. Ipaparehab ko hihingi ako ng tulong,” sey pa ni Eric.

Madalas umanong makita si Pretty Trisha sa G. Tuazon, Balic-Balic malapit sa Wellcome Supermarket, palakad-lakad.