Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pribadong kolehiyo mababa enrollment

0 284

Nakatakdang magsara ang ilang private school sa kolehiyo dahil sa mababang bilang ng enrollment dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Ito ang iniulat ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Mayroon na pong ilang eskuwelahang nagsabi sa CHED na magsasara sila dahil yung enrollment ay talagang bumaba, natatakot ang mga magulang at estudyante at mayroon ng ilan na nagreport sa CHED,” ani de Vera.

Inamin ng opisyal na wala pa silang polisiya para sa magsasarang paaralan dahil ngayon lang lumitaw ang problema sa COVID-19 kaya inaaral pa nila kung ano ang gagawin para sa mga magsasarang pribadong kolehiyo.

Problema rin aniya ng mga pribadong kolehiyo sa mga malalayong lalawigan ang kawalan ng internet connection para sa pagpapatupad ng online class dahil pa rin sa epekto ng COVID-19 pandemic. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.