Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Price cap sa ilan pang gamot Marso 2022 epektibo

0 186

Sa Marso 2022 pa ipatutupad ng gobyerno ang price cap para sa ilan pang mga gamot na kasama sa executive order na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Tinukoy ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang executive order na nagtakda ng maximum retail price sa 34 na gamot, 34 drug molecules at 71 drug formula.

“So, ito po ay binigyan ng 90 days para po magkaroon ng effectivity. So, ang kanyang full effect will be on March 22, 2022,” ani Vergeire.

Malaking benepisyo aniya sa mamamayan ang abot-kayang halaga ng mga gamot lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa ilalim ng Executive Order No. 155, mahaharap sa multa at parusa ang sinoman na lalabag Cheaper Medicines Act na nagkakahalaga ng mula P50,000 hanggang P5 milyon para sa kada paglabag.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.