Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pride 20’ reresbak sa mga humuling pulis

0 381

Balak ng kampo ng tinaguriang “Pride 20” na kasuhan ang mga pulis na dumakip sa kanila sa umano’y marahas na tugon ng mga awtoridad sa kanilang protesta sa Maynila noong Biyernes.

Ayon sa abogadong si Minerva Lopez, kinatawan ng grupo, maghahain sila ng kontra-demanda laban sa mga pulis na umaresto sa mga aktibista.

Iginiit ni Lopez na walang nilabag sa batas ang mga inaresto. “Ang posisyon namin walang nalabag na batas, even sa mga isinampang kaso ng mga pulis walang violation, walang crime na na-commit dun sa mga charged na crime na isinampa sa mga rallyist,” ani Lopez.

Magugunita na noong Biyernes, ang grupo na binubuo ng 20 miyembro at kaalyado ng LGBTQIA+ community kasama ang kanilang lider ay inaresto sa Mendiola sa gitna ng Pride March dahil umano sa paglabag sa kinakailangang physical distancing sa ilalim ng umiiral na general community quarantine dahil sa COVID-19.

Biyernes ng hapon nang arestuhin ang “Pride 20” sa isa sanang makulay at mapayapang Pride march ng grupong Bahaghari sa Mendiola.

Nasugatan ang ilang nahuli at mga sumama sa protesta.

Nahaharap sa paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act at Article 151 o Disobedience to Authority ang mga aktibista matapos kasuhan ng Manila Police District- General Assignment and Investigation Section (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.