Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Prima Donnas tuloy ang giyera

0 38

NI: ROLDAN CASTRO

Nagbabalik ang family drama ng Kapuso na ‘Prima Donnas Book 2.’ Excited ang mga cast na muling mapapanood ang kanilang karakter na nagustuhan ng mga manonood.

Tampok sina Jillian Ward , Althea Ablan , Sofia Pablo

Nandiyan din sina Katrina Halili , Wendell Ramos , Chanda Romero , Benjie Paras , James Blanco at Sheryl Cruz .

The top-rated series promises more interesting twists, family revelations, and scenes that will leave viewers on the edges of their seats.

Back for vengeance is one of the industry’s formidable and multi-awarded actresses Ms. Aiko Melendez .

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama rin sina Elijah Alejo, Will Ashley, Vince Crisostomo, Allen Michael Ansay at Bruce Roeland.

Sinabi ni direk Gina Alajar na ibang-iba ang ‘Prima Donnas Book 2’ sa first season.

“Of course hindi maaalis ‘yung awayan nina Lillian at Kendra. Hindi rin siyempre mawawala yung awayan nina Lillian at Bethany played by Sheryl Cruz,” aniya. “Magkakaroon din ng awayan ang mga bata. Si Brianna at si Mayi, mayroon. Hindi natin sure kung alin doon ang susundan ng viewers but we make it a point na maging iba ‘yung show sa mga nagawa na naming.”

“Mas ipapaliwang din dito kung saan ‘yung pinanggagalingan ng galit ni Kendra. Kung bakit gusto niya makuha ‘yung crown ni Lady Prima, bakit hindi niya ma-give-up ‘yung pagmamahal ni Jaime kahit na harap-harapan na sinasabi sa kanya na ‘hindi kita mahal.’ Lahat iyon, malinaw at inisa-isa namin dito sa book 2,” sambit pa ni direk.

Magkakaroon ng recap episodes sa January 17 to 21, Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga. Magsisimula naman sa January 24 ang fresh episodes ng Prima Donnas Book 2 sa GMA Afternoon Prime.

Leave A Reply

Your email address will not be published.